Gumising akong napakasakit ng ulo... migraine ito... super, major headache!! Ayoko sanang pumasok pero kailangan kasi me client call ako ng 9.00 and hindi ko na siya puwedeng iatras dahil pangalawang appointment na ito. Nag-survive naman ako. Pero syempre, kailangan ko pa ring bumalik sa opisina dahil me mga kailangan akong tapusing quotations at kung ano-ano pa.
Di ako masyadong nakakain dahil baka ilabas ko lang uli siya. Kailangan ko lang kumain ng kahit ano para magkalaman ang tiyan ko at makainom ako ng gamot. Natapos ko ang mga quotations pero di ako talaga maka-concentrate sa pagtawag for new prospects pero nagtawag pa rin ako hanggang sa oras nang umuwi. Sabi ko sa sarili ko, wala rin lang naman akong gagawin kung uuwi ako ng maaga at baka di rin lang ako makatulog so, hinintay ko na lang mag-uwian.
Sa bus stop, super, dooper tagal ng bus. Syempre pag ganyan, alam nyo na ang ibig sabihin... traffic kaya di makarating agad ang bus. Dalawang sakay ako para mas mabilis. Pero ang suma-total, ganon din kasi nga wala ring masakyan. Nakatulog ako sa first bus ride. Ang super irony ng araw ko kahapon ay nang ako ay naghihintay na ng second ride ko. Nawala bigla ang sakit ng ulo ko, kaya pagdating ko sa bahay, wala na akong itulog. Buti na lang at me bahaw pa, so nakakain na agad ako ng hapunan.
Hayyy... napaka-ironic di ba? Kung kailan mo gustong makauwi agad, traffic. At kung kailan masarap na magpahinga, wala na ang pagod. Nairaos mo na sa bus sa tagal ng biyahe. Gusto kong mapikon dahil kung kailan gabi na, saka nawala ang sakit. Natulog ako alas-onse na. Balak ko sana alas-diyes para makapahinga ng maayos.
Di bale na nga... at least nawala na ang sakit ng ulo... yun na lang ang kunswelo.
No comments:
Post a Comment