Simula nong dumating ako dito, ang Biyernes (yan ang weekend dito) ko ay lumilipas lang nang nasa bahay at naghihintay ng oras para mamalantsa. Wala namang magawa e. Nakakatamad ding lumabas kasi mahirap ang bus at medyo painit na rin ng painit ang panahon.
Simula rin ng dumating ako dito, naghahanap na ako ng badminton court. Tanong dito, tanong doon paminsan-minsan pero walang makapagsabi. Pero netong nagsuweldo ako, sabi ko bibili ako ng bola para kahit sa park na lang muna. Doon sa binilhan ko ng bola, isang pinoy ang attendant so tinanong ko na lang siya kung meron siyang alam na badminton court. Sabi niya sa akin, me ibibigay siyang number at yon ang alam niyang nakakaalam dahil naglalaro sila.
Nakausap ko at nagkasundo kami na maglalaro ng Biyernes kasi yon din lang yong oras na puwedeng gamitin ang court.
Pagdating namin doon, nagulat ako. Gym pala ng school at puwedeng magtayo ng 4 na badminton courts. Aircon siya at kumpleto sa facilities. Sabi ko sa sarili ko, super mawiwili ako dito. Super nagsawa ako sa laro dahil ang daming kalaro, ang daming courts... sabi nila... next week uli! heheheheh...
Sa wakas!
No comments:
Post a Comment