Masyado akong maraming gustong gawin.
Excited ako sa Biyernes, pero ayokong mag-Huwebes kasi kelangan kong maglaba. Hayyy... pero sa totoo lang, masayang-masaya ang pakiramdam ko pagkatapos maglaba. Eto rin ang time na inilaan ko sa pagkanta ng "Lupang Hinirang" gaya ng sinabi ko sa mga nauna ko pang pagsuslat. Proud naman akong sabihin na sa ngayon, nadederetso ko na ang awit ng walang mali.
Pinilit kong gawan ng Review yong katatapos ko lang na libro: Ang Paboritong Libro ni Hudas. Pero ewan ko kung saan ko nailagay ang USB ko at di ko nadala ngyon. So, bukas na lang ulit.
Meron sana akong kuwento. Pero dahil nga mas gusto kong magbasa kesa magsulat nong Huwebes ng gabi, sabi ko bukas na lang, tutal naman, maghapon akong makikipag titigan sa kung anuman lalo na at Biyernes at hindi ako cleaner sa kuwarto... yehey... sa Feb 20 na lang ulit... ngek.
Pero, syempre nagkaroon na naman ng dahilan. Etong kaibigan ko, tinotoo pala ng sinabi niya nong isang araw na gusto niyang magpunta sa Dragon Mart. Akala ko kasi, wala lang siyang magawa at plano lang yon. So, pumunta kami. Sa totoo lang, first time kong lumabas ng Biyernes ng pupunta sa mall. Dati, naglalaro ako ng badminton pero natigil ito simula ng umuwi ng Pinas yong mabait kong carpool.
Anyway, sa loob ng Dragon Mart.
Ganoon pala doon. Pag pumasok ka, parang wala ka sa Dubai. Feeling ko tuloy ako si Mario na napunta sa Warp Zone. Lahat halos ng tindahan, Intsik ang mga bantay. Ang daming Asians. Well, ayokong sabihing Pinoy dahil baka hindi naman. Syempre, ang pinakapatok at pinakamaraming tao, ang tindahan ng selepono. Parang laging Sharon-Gabby sa bawat shop na pupuntahan namin.
Pero hindi maalis sa isipan ko yong booth ng "Information." Kasi, nakagayak ng Intsik. Me mga dragon na parang canopy, mga lamaparang Intsik, at kung anu-ano pang mga bagay na nagpapapaalala ng lahi nila. Sigurado ako, naii-imagine mo na ang gusto kong sabihin kahit hindi ko ito masyadong mailarawan. Okay, ngayong nakikita mo na ang booth ng "Information," syempre kelangan me tao sa loob para magbigay ng information. Ilalarawan ko ngayon ang tao sa loob. Nakabihis ng puti... yong tinatawag nilang Kandura: national dress ng mga Arabo. Sayang nga at sa pagkakataong ito, di ko dala ang camera ko. Sarap sanang kunan. At sa pagkakataong ito, pang-ilang ulit ko na namang sinisisi ang sarili ko sa hindi ko pagdadala sa matalik kong kaibigan. Sabi ko sa sarili ko... Huli na talaga 'to.
Sabi ko sa kabigan ko, "Tingnan mo, o, parang hindi bagay. Kasi ang setting, Intsik, tapos ang tao sa loob, Arabo."
Tsk. Tsk.
Globalisasyon. Totoo na 'to. Pramis.
No comments:
Post a Comment