Wednesday, February 11, 2009

Cien Años De Soledad

One Hundred Years of Solitude.

Matagal ko nang gustong basahin ang aklat na ito. Pero hindi ko pa rin maipaliwanag (kahit sa sarili ko) kung bakit noong nagsimula uli akong bumili ng mga aklat, parang wala siya sa listahan ko. Para sa mga kasing-tanda ko, una kong nadinig itong aklat na ito sa pelikulang, "Saan Darating ang Umaga." Iniregalo yata ni Raymond Lauchengco kay Maricel Soriano ito. Kaya noong makita ko siya sa bookshop, talagang di ko na pinalampas nong makuha ko ang suweldo ko.

Kasisimula ko pa lang pero gandang-ganda na ako. Sabi ni Bob Ong sa isa sa mga aklat niya, dapat daw ang isang tao ay makapagbasa at makatapos kahit isang aklat man lamang sa buong buhay niya. Para sa akin, siguro ito na ang dapat, kung hindi ka pa nakakatapos ng aklat. At doon naman sa mga katulad ko na medyo nahiligan din ang pagbabasa, iminumungkahi kong bumili kayo nito at basahin kung kelan ninyo trip. Sa totoo lang, palagay ko di ninyo rin pagsisisihan.

Yon nga lang, medyo samahan ninyo ng kaunting tiyaga, kasi merong mga bagay na nakakalito. Uhhhmmm, ito naman e kung kapareho kitang medyo mabagal maka-gets. Para lang siguradong me baon ka at di mauubusan.

===============

Napadaan ako kanina sa isang tindahang me tindang mga pahayagan. Nakita ko na medyo interesting ang headline. So, sabi ko, pagdating ko sa office, makapag-log-in na lang kasi sabi doon sa pahayagan, meron daw silang magagandang larawan sa kanilang webpage. Bago ko sulatin ito, pumunta ako. Nakita ko, binasa ng kaunti. Gusto ko pa sanang lumipat ng pahina pero di ko feel. Ewan ko ba, mas gusto ko pa rin talaga yong hawak ko ang pahayagan at nagkakaroon ng maitim-itim na mantsa ang mga daliri ko sa pagbabasa. Naalala ko tuloy si Reysie, kasi kung magbasa yun, nakatalungko at nakalahad ang pahayagan sa sahig. Ginaya ko minsan, enjoy pala...

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Popular Posts