Tuesday, May 6, 2008

Ulan!!!

Kulimlim ng umalis ako sa bahay kaninang umaga. Inisip ko uulan pero sabi ko mas malamang sa hindi kasi nga tag-init na dito at paglabas ko pa lang ay ramdam ko na agad ang init na di katulad noong mga nakaraan.

Pero nang bumaba ako sa bus, naramdaman ko ang patak ng ulan! Ang saya-saya! Enero pa nong huling umulan dito at disaster pa dahil maraming kalye ang baha. Ngayon, malakas lang ng kaunti sa ambon at di nagtagal tumila na rin.

Noong isang araw lang, napanaginipan ni Cindy na umulan daw dito at pinag-usapan namin kung gaano na namin nami-miss ang ulan. Ngayon umulan! Pero iba pa rin ang ulan sa Pinas. Di ko kayang ipaliwanag pero alam ko, alam ninyo ang ibig kong sabihin.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Popular Posts