Thursday, February 26, 2009

Naif

PHOTO OF THE WEEK

 
Regency

Monday, February 23, 2009

The Mysterious Tarry Town


Ichabod Crane. Katrina Van Tassel. Baltus Van Tassel. Brom Bones. Gunpowder.

These are the common characters. And of course, the star of the story, the Headless Horseman.
Washington Irving's story. Tim Burton's movie.

One common town. In Irving's mind, it was called Tarry Town, later on known as the Sleepy Hollow.


The mystery lies with the murders that happened in the town. The suspects are the same. The Headless Horseman. But the origins are totally different; both full of creativity and imagination. Irving's will knock on your imagination, and will reside in it for a while. Burton's might have opened a door on its origin, but still, a window would be left open: is this what Irving has on his mind originally?

In the movie, Ichabod was assigned to solve the murders with his weird scientific tools. Crane in the book was a teacher, instructing young folks about psalmody.

Burton's Ichabod got a theory of a conspiracy between the doctor, the magistrate, the reverend and the notary…. What is their secret? Or if they ever had one at all.


However, Washington's Crane has a passion for food, of wanting to inherit the wealth of Baltus Van Tassel so he can own the vast lands of the family, not to mention the big house. Was this what led him to try and win the heart of Katrina? Or was this his sole reason for trying to win her heart against his rival, Brom Jones?
Whichever you choose to discover, both stories are unique. Irving's will leave you with questions, while Burton tried to provide you with THE possible answer and what is it that Irving is LIKELY to want us to imagine.

A perfect combination. It's good to explore one and then the other, and later on, one with the other. And the circle is complete. And the beauty of both of the stories are manifested.

*First and Second photos taken from Wikepedia
Last photo taken from Yahoo! Movies

First Time

Sa kauna-unahang pagkakataon, na-late ako ng super hi-tech. Ang dahilan? Hindi ako masyadong sigurado. Kasi, parang hindi ko yata nai-on ang alarm sa mobile ko. Dati kasi, pagini-off ko na ang blue tooth pagdating ko, sabay on ko naman ng alarm. Kaso, lo-bat kahapon ang headset ko kaya tanghali pa lang, off na ang bluetooth.

Pero di ko naman masyadong problema ang pagka-late ko. Kasi nga komo eto lang ang unang pagkakataon.

Mas problema ko pa nga na baka wala na akong abutang pancake sa Spinney's para sa almusal, kesa ma-late sa trabaho...

Saturday, February 21, 2009

Zero

Mga ilang linggo na ang nakaraan. Pareho kaming abala ni Mimi sa bahay sa mga kung ano-anong trabaho, libro, at ibp., nang bigla niya akong tanungin.

"Ga, ano tagalog ng zero?"

"Ha....? Uhm... ewan ko... Wala..."

"Anong wala? Mali yon di ba?"

Naisip ko, oo nga. Tapos sabi niya, nagtatawa: "Kasi sa amin, iklog o kalabasa, pag sa exam... e pag bumilang ka... paano? Wala, isa, dalawa... di ba?"

Ano nga ba ang taglog ng ZERO?

Pakisagot naman...

Wednesday, February 11, 2009

Cien Años De Soledad

One Hundred Years of Solitude.

Matagal ko nang gustong basahin ang aklat na ito. Pero hindi ko pa rin maipaliwanag (kahit sa sarili ko) kung bakit noong nagsimula uli akong bumili ng mga aklat, parang wala siya sa listahan ko. Para sa mga kasing-tanda ko, una kong nadinig itong aklat na ito sa pelikulang, "Saan Darating ang Umaga." Iniregalo yata ni Raymond Lauchengco kay Maricel Soriano ito. Kaya noong makita ko siya sa bookshop, talagang di ko na pinalampas nong makuha ko ang suweldo ko.

Kasisimula ko pa lang pero gandang-ganda na ako. Sabi ni Bob Ong sa isa sa mga aklat niya, dapat daw ang isang tao ay makapagbasa at makatapos kahit isang aklat man lamang sa buong buhay niya. Para sa akin, siguro ito na ang dapat, kung hindi ka pa nakakatapos ng aklat. At doon naman sa mga katulad ko na medyo nahiligan din ang pagbabasa, iminumungkahi kong bumili kayo nito at basahin kung kelan ninyo trip. Sa totoo lang, palagay ko di ninyo rin pagsisisihan.

Yon nga lang, medyo samahan ninyo ng kaunting tiyaga, kasi merong mga bagay na nakakalito. Uhhhmmm, ito naman e kung kapareho kitang medyo mabagal maka-gets. Para lang siguradong me baon ka at di mauubusan.

===============

Napadaan ako kanina sa isang tindahang me tindang mga pahayagan. Nakita ko na medyo interesting ang headline. So, sabi ko, pagdating ko sa office, makapag-log-in na lang kasi sabi doon sa pahayagan, meron daw silang magagandang larawan sa kanilang webpage. Bago ko sulatin ito, pumunta ako. Nakita ko, binasa ng kaunti. Gusto ko pa sanang lumipat ng pahina pero di ko feel. Ewan ko ba, mas gusto ko pa rin talaga yong hawak ko ang pahayagan at nagkakaroon ng maitim-itim na mantsa ang mga daliri ko sa pagbabasa. Naalala ko tuloy si Reysie, kasi kung magbasa yun, nakatalungko at nakalahad ang pahayagan sa sahig. Ginaya ko minsan, enjoy pala...

Saturday, February 7, 2009

Ilarawan Mo

Masyado akong maraming gustong gawin.

Excited ako sa Biyernes, pero ayokong mag-Huwebes kasi kelangan kong maglaba. Hayyy... pero sa totoo lang, masayang-masaya ang pakiramdam ko pagkatapos maglaba. Eto rin ang time na inilaan ko sa pagkanta ng "Lupang Hinirang" gaya ng sinabi ko sa mga nauna ko pang pagsuslat. Proud naman akong sabihin na sa ngayon, nadederetso ko na ang awit ng walang mali.

Pinilit kong gawan ng Review yong katatapos ko lang na libro: Ang Paboritong Libro ni Hudas. Pero ewan ko kung saan ko nailagay ang USB ko at di ko nadala ngyon. So, bukas na lang ulit.

Meron sana akong kuwento. Pero dahil nga mas gusto kong magbasa kesa magsulat nong Huwebes ng gabi, sabi ko bukas na lang, tutal naman, maghapon akong makikipag titigan sa kung anuman lalo na at Biyernes at hindi ako cleaner sa kuwarto... yehey... sa Feb 20 na lang ulit... ngek.

Pero, syempre nagkaroon na naman ng dahilan. Etong kaibigan ko, tinotoo pala ng sinabi niya nong isang araw na gusto niyang magpunta sa Dragon Mart. Akala ko kasi, wala lang siyang magawa at plano lang yon. So, pumunta kami. Sa totoo lang, first time kong lumabas ng Biyernes ng pupunta sa mall. Dati, naglalaro ako ng badminton pero natigil ito simula ng umuwi ng Pinas yong mabait kong carpool.

Anyway, sa loob ng Dragon Mart.

Ganoon pala doon. Pag pumasok ka, parang wala ka sa Dubai. Feeling ko tuloy ako si Mario na napunta sa Warp Zone. Lahat halos ng tindahan, Intsik ang mga bantay. Ang daming Asians. Well, ayokong sabihing Pinoy dahil baka hindi naman. Syempre, ang pinakapatok at pinakamaraming tao, ang tindahan ng selepono. Parang laging Sharon-Gabby sa bawat shop na pupuntahan namin.

Pero hindi maalis sa isipan ko yong booth ng "Information." Kasi, nakagayak ng Intsik. Me mga dragon na parang canopy, mga lamaparang Intsik, at kung anu-ano pang mga bagay na nagpapapaalala ng lahi nila. Sigurado ako, naii-imagine mo na ang gusto kong sabihin kahit hindi ko ito masyadong mailarawan. Okay, ngayong nakikita mo na ang booth ng "Information," syempre kelangan me tao sa loob para magbigay ng information. Ilalarawan ko ngayon ang tao sa loob. Nakabihis ng puti... yong tinatawag nilang Kandura: national dress ng mga Arabo. Sayang nga at sa pagkakataong ito, di ko dala ang camera ko. Sarap sanang kunan. At sa pagkakataong ito, pang-ilang ulit ko na namang sinisisi ang sarili ko sa hindi ko pagdadala sa matalik kong kaibigan. Sabi ko sa sarili ko... Huli na talaga 'to.
Sabi ko sa kabigan ko, "Tingnan mo, o, parang hindi bagay. Kasi ang setting, Intsik, tapos ang tao sa loob, Arabo."

Tsk. Tsk.

Globalisasyon. Totoo na 'to. Pramis.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Popular Posts