Monday, April 28, 2008

Bus Tales

Naghihintay kami ng bus... siguro mga isang oras na... yong isa naming busmate, inip na, nakasimangot na, mainit na yata ang ulo. Sabi ko, "cool ka lang, darating din yon, siguro mga isang oras pa..." Tawanan kami...

Sabi nong isa... "Wag mong isipin yon, mahal ka non. Busy lang... sa kakatext sa iba..."

Tawanan lahat kami!!!!

Pero sabi nong isa... o di ba totoo naman?

(Dumating ang bus pagkatapos ng siguro halso dalawang oras naming paghihintay. Naubos na ang kuwento, uminit na ang ulo, kumulo na ang sikmra at umiksi na ang pasensiya sa kakahintay.)

Tuesday, April 22, 2008

Things I Miss

Last night, I hit the bed early, but not to sleep. I was relaxing my back due to pains brought about by my work. But it's okay... a massage every week would slowly send this away. I just need this rest. I lay on the bed and figured what could I do while relaxing. Then, I figured I miss reading. I haven't read for a while. And as they say, you wouldn't know what you're missing until it's there. I took out a book. The first book I ever bought here in Dubai, and that was a year ago. Also, this is the second time I'll be reading it. I'll share with you what struck me most so far. And if I am not mistaken, I've already written this on this same site. That should make it really remarkable for me, to be able to write about it twice.

"When someone sees the same people every day, as had happened with him in the seminary, they wind up becoming a part of that person's life. And then they want the person to change. If someone isn't what others want them to be, the others become angry. Everyone seems to have a clear idea of how other people should live their lives, but none about his or her own."

This is from Paolo Coelho's book, The Alchemist, which I am reading again. I figured there are a lot of things hidden in this book that I think would be good to find out.

This morning, I took it out while I was at the bus. On this paragraph, I stopped and got it back in my bag. Then I thought for a while. I miss reading, and plan to do this more often during my ride to and from work.

Also, at this point, it dawned on me. When was the last time I had smart conversations with people, or conversations with smart people? NO! It's not that there aren't smart people here to get into smart conversations. The problem lies with Time. We don't seem to have enough time for smart conversations. The only thing we get to talk about with people is the traffic, the weather, our whines about our work and our officemates and whoever.

But then again, we always have something to be thankful for. I started to look back at those times that I spent with friends that I can share even my most goofy acts and stupid ideas, and still never judged. As again, Paolo wrote:

"I told you that your dream was a difficult one. It's the simple things in life that are the most extraordinary; only wise men are able to understand them. And since I am not wise, I have had to learn other arts, such as the reading of the palms."

Monday, April 21, 2008

Balik-Tanaw

Hindi ko talaga akalin na meron pala akong kuha dito sa Christmas Party na ito. Tanda ko me mga kinunan akong larawan, pero di ko na matandaan na nakunan pala ako dito. hehehehe...

Nakakatuwa pero eto yong mga madalang na pagkakataon na nakasama ako noon sa mga ganitong kaganapan. Natatandaan ko palagi akong di nakakapunta dahil pagod ako pag dumarating ako ng weekend at inuubos ko lang sa pagtulog para makabawi. Eto yong mga panahon na nagtatrabaho ako sa call center at walang panahon sa kahit anong mga okasyon.

Buti na lang at naisipan kong umalis...

Bigla ko tuloy na-miss ang pagpunta sa mga ganitong pagkakataon...

Saturday, April 19, 2008

Sa Wakas!

Simula nong dumating ako dito, ang Biyernes (yan ang weekend dito) ko ay lumilipas lang nang nasa bahay at naghihintay ng oras para mamalantsa. Wala namang magawa e. Nakakatamad ding lumabas kasi mahirap ang bus at medyo painit na rin ng painit ang panahon.

Simula rin ng dumating ako dito, naghahanap na ako ng badminton court. Tanong dito, tanong doon paminsan-minsan pero walang makapagsabi. Pero netong nagsuweldo ako, sabi ko bibili ako ng bola para kahit sa park na lang muna. Doon sa binilhan ko ng bola, isang pinoy ang attendant so tinanong ko na lang siya kung meron siyang alam na badminton court. Sabi niya sa akin, me ibibigay siyang number at yon ang alam niyang nakakaalam dahil naglalaro sila.

Nakausap ko at nagkasundo kami na maglalaro ng Biyernes kasi yon din lang yong oras na puwedeng gamitin ang court.

Pagdating namin doon, nagulat ako. Gym pala ng school at puwedeng magtayo ng 4 na badminton courts. Aircon siya at kumpleto sa facilities. Sabi ko sa sarili ko, super mawiwili ako dito. Super nagsawa ako sa laro dahil ang daming kalaro, ang daming courts... sabi nila... next week uli! heheheheh...

Sa wakas!

Wednesday, April 16, 2008

Kahapon

Gumising akong napakasakit ng ulo... migraine ito... super, major headache!! Ayoko sanang pumasok pero kailangan kasi me client call ako ng 9.00 and hindi ko na siya puwedeng iatras dahil pangalawang appointment na ito. Nag-survive naman ako. Pero syempre, kailangan ko pa ring bumalik sa opisina dahil me mga kailangan akong tapusing quotations at kung ano-ano pa.

Di ako masyadong nakakain dahil baka ilabas ko lang uli siya. Kailangan ko lang kumain ng kahit ano para magkalaman ang tiyan ko at makainom ako ng gamot. Natapos ko ang mga quotations pero di ako talaga maka-concentrate sa pagtawag for new prospects pero nagtawag pa rin ako hanggang sa oras nang umuwi. Sabi ko sa sarili ko, wala rin lang naman akong gagawin kung uuwi ako ng maaga at baka di rin lang ako makatulog so, hinintay ko na lang mag-uwian.

Sa bus stop, super, dooper tagal ng bus. Syempre pag ganyan, alam nyo na ang ibig sabihin... traffic kaya di makarating agad ang bus. Dalawang sakay ako para mas mabilis. Pero ang suma-total, ganon din kasi nga wala ring masakyan. Nakatulog ako sa first bus ride. Ang super irony ng araw ko kahapon ay nang ako ay naghihintay na ng second ride ko. Nawala bigla ang sakit ng ulo ko, kaya pagdating ko sa bahay, wala na akong itulog. Buti na lang at me bahaw pa, so nakakain na agad ako ng hapunan.

Hayyy... napaka-ironic di ba? Kung kailan mo gustong makauwi agad, traffic. At kung kailan masarap na magpahinga, wala na ang pagod. Nairaos mo na sa bus sa tagal ng biyahe. Gusto kong mapikon dahil kung kailan gabi na, saka nawala ang sakit. Natulog ako alas-onse na. Balak ko sana alas-diyes para makapahinga ng maayos.

Di bale na nga... at least nawala na ang sakit ng ulo... yun na lang ang kunswelo.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Popular Posts